MoboReader> Fantasy > DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4

   Chapter 40 NO.40

DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4 By charmaineglorymae Characters: 18256

Updated: 2018-02-01 01:02


Snow's POV

Cockledoodledoo! Cockledoodledoo!

Nagising na lang ako dahil sa alarm pero ang bigat pa rin ng talukap ng mga mata ko. Hindi ko na nga maalala kung anong oras ba ako nakatulog dahil pakiramdam ko ay hindi ako nakatulog dahil sa dami ng inisip ko kagabi. Sa sobrang dami ng mga nangyari kahapon ay hirap na hirap akong matulog dahil magulo ang utak ko. Ang dami kong katanungan na hindi ko rin masagot dahil hindi din naman ako sigurado kung ano ang totoo. Ayoko naman mag-assume dahil mahirap ang umasa. Yun pa naman ang masakit, yung umasa ka sa wala.

Bumangon na akong pupungas pungas dahil sa antok. Agad akong napaharap sa salamin at kita ko nga ang pangangalumata ko. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na sa CR para maligo ng mabawasan naman ang antok na nararamdaman ko. Hindi naman ako nagtagal sa CR at lumabas na rin ako. Ginamit ko na rin ang blower doon para matuyo ang buhok ko. Nakita ko naman ang kalat sa aking kwarto kaya ginamitan ko na ito ng levitation para umayos ang kuwarto ko. Masyado na akong tinatamad maglinis at nakakahiya din kung uutosan ko pa ang mga katulong namin para lang linisin ang kalat ko di ba?

Lumabas na din ako ng kuwarto at madatnan ko si Ria at Dia na ang lalakas ng boses na nagkukwentuhan sa hapag.

"Hindi pa rin talaga ako makamove on sa kinuwento mo ate! Si Prince Yuan, nandoon sa school niyo at nakausap mo pa talaga siya!" Tili ni Dia.

Napangiwi naman ako dahil nakakabutas ng eardrum yung tili nito. Nadatnan ko nga sila sa hapag na magkalapit naman pero kung magkuwentuhan eh akala mo nasa kabilang bundok yung kausap.

"Ate Snow! Ang swerte niyo kasi nakita niyo ang prinsipe!" Masayang saad ni Dia sa akin.

Umupo na ako katapat sa kanilang dalawa at kumuha na ako ng loaf bread at tsaka ham.

"Ah, hehehe oo nakita nga namin kahapon." Sagot ko na lang. Ayaw ko naman isali ito sa bitterness ko sa mundo hahaha.

"Gusto ko na tuloy magcollege para makita ko na rin siya." Saad pa nito.

Hindi na ako nagsalita. Ibinuhos ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ko. Agad naman din akong natapos tsaka ko inilabas ang cellphone ko para icheck yung facebook ko. Agad na tumambad sa news feed ko ang mga shared picture ng mga visitors kahapon.

Napakunot na lang ang noo ko ng makita ko kung sino ang mga ito.

#royals The ultimate visit in Wilson University. Lady Violet, Lady Luna, Lord Avis and Lord Jin.

??<< ako yan.

Halos hindi maalis yung mga mata ko sa picture. Hindi ko inakala na sila ang visitors! Yung Elites! Pero ang tawag sa kanila eh Royals. What the fuck, at hindi ko man lang napag-interesan na tingnan sila kahapon. Malamang kung alam ko lang na sila ito ay hindi talaga ako aalis ng amphitheater, pero kung hindi ko rin ginawa yun ay hindi ko rin makikita si Yuan.

They are from Volks Academy as well at si Yuan naman ay pinapalipat naman ako sa Volks. Gusto kong pumasok sa Volks sa totoo lang pero umaandar naman ang kaartehan ko dahil kay Yuan. Hindi ko pa rin makalimutan yung pagkaladkad niya sa akin. Tuwing naiisip ko nga yun ay naaasar talaga ako.

Pero nakakapagtataka naman na walang balita tungkol kay Yuan dahil nandoon naman yun kahapon. O baka naman talagang pinatigil lang ang balita dahil masyadong private itong si Yuan at ayaw na mapost yung mga picture niya sa social media.

Pagkatapos kong magcheck sa facebook ko ay umalis na kami ni Ria patungong University. Hindi naman naging matagal ang biyahe dahil wala naman traffic ngayon. Bumaba kaagad kami sa pinagparkingan ng sasakyan at nagsimula kaming maglakad at tulad ng normal ay konti pa ang mga estudyante na nasa school dahil medyo maaga pa naman at hindi naman marami ang may maagang subject sa araw na ito.

Agad na pumasok kami sa classroom at naupo na roon. Medyo maingay naman sa loob at naging usapan ng mga ito ang nangyaring visitation kahapon. Yung mga babae ay kinikilig dahil kina Avis at Jin, yung mga lalaki naman ay si Luna at Violet ang pinag-uusapan. They are still the same, an attention catcher. Yung totoo gusto ko silang makita sa personal at sabi nga ni Ria di ba nag-aaral si Yuki sa Volks Academy? Ibig sabihin kung papasok ako roon ay may chance na magkakasama kami!

Agad naman na natahimik ang paligid dahil dumating na pala si Prof Isaac na agad naman itong tumingin sa dereksyon ko.

"Miss Sylveria, why are you still here?" Tanong pa nito sa akin at halatang nagtataka ito.

Kung nagtataka siya eh mas lalo na akong nagtataka kung bakit niya ako tinanong ng ganun. Nakalimutan na ba niya na estudyante niya ako? Baka naman naging ulyanin na ito?

"Sir, of course I am your student." Sagot ko pa talaga sa kanya.

"Yes, but you are no longer a student here? Did you not receive your release paper yesterday?" Tanong pa talaga nito sa akin. Napataas na talaga ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Umiling naman ako dahil wala naman akong natanggap o prinocess. "You've been transferred to Volks Academy Miss Sylveria. Congratulations, for being one of the new magic users." Nakangiting deklara nito.

??<< ganyan ang naging reaksyon ng lahat.

??<< ako naman yan.

Nakakahiya kasi pinagtitinginan na ako ngayon ng mga kaklase ko. Pero si Ria ay hindi na nakagalaw at nakanganga pa talaga ito. Halatang hindi ito makapaniwala sa mga nangyayari. Wala naman kasi itong alam. Pero mas nangingibabaw ang gulat ko dahil sa mga nangyayari. Paanong na transfer ako eh wala naman akong prinocess kahapon?

"W-wait! You have magic?"

to sa akin kaso sabi niya hindi daw pwede dahil yun ang mahigpit na iniutos sa kanila ang tawagin akong ganun. Hindi ko na lang din sila pinilit dahil baka maging kasalanan ko pa kung mawawalan sila ng trabaho dahil napilitan silang hindi ako tawagin ng ganun.

"Really? Wow, this is amazing!" I shouted with glee.

"Follow us milady." Saad pa ng isa na hindi ko kilala sa pangalan dahil hindi ko naman din tinanong.

Sumunod naman ako sa kanila at nilakad naman namin ang grand staircase at feeling ko tuloy, para akong si Cinderella na naglalakad hahaha. Huminto naman kami sa second floor at pumanhik kami sa pintuan na may mga carvings ng korona at mga rose na may tinik. It is made with wood but the linings of the designs were painted in gold. Binuksan naman nila ang pintuan at agad akong pinapasok doon. Hindi na sila pumasok doon at iniwan na ako.

Agad na humanga ako sa design ng kuwarto. Una, napakalawak nito! Parang buong basketball court na ata ito. Unang napansin ko ay ang fur carpeted floor na kulay moss green and the walls are wallpapered with light gold. The mini living room was composed with sofa and sofa bed na kulay light gold din. Napatingin naman ako sa isang kingsize bed doon na kulay puti na may linings naman ng gold and it is a four post bed at may see through curtain pa na nakapalibot na akala mo eh kulambo na pinasosyal lang.

May nakita akong study table at may isang round table doon na may mga comfy chairs. May maraming book shelves din sa loob na akala ko eh library na sa dami ng libro. Nakita ko naman ang mga pamilyar na bagahe ko kaya lumapit ako doon para kunin pero ng binuhat ko yun ay magaan lang. Ibig sabihin ay nailabas na ang aking mga gamit at malamang ay nasa closet na ang mga ito.

"Did you like the room?" Halos mapatalon naman ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko kaya agad akong napapihit para harapin ang hunghang na nanggulat sa akin. Pero laking gulat ko na lang ng makita ko na si Yuan pala yun na prenteng nakatayo at nakangisi sa akin!

Tinaasan ko naman kaagad ito ng kilay. "And what are you doing here?" Aba, syempre may karapatan akong magtanong sa kanya dahil kuwarto ko ito at trespassing ang ginagawa niya! Kahit, hindi naman ito ang favorite color ko pero may taste naman din ang interior design kaya pasadong pasado ito sa taste ko.

"What am I doing here?" Tanong pa nito pero mukhang kumpirma lang yun. "The last time I checked, this is my room." Confident na sagot nito sa akin.

Ako naman ngayon ang nagulat ulit. Ano daw? Kanya itong kuwarto? Eh kuwarto ko to diba?

"No! This is my room! Sabi ng men in black ay ito daw ang kuwarto ko." Giit ko pa dahil baka naman pinagtitripan lang ako nito.

"Men in black?" Naitanong pa nito pero ng marealized niya kung sino amg tinutukoy ko ay natawa naman ito.

"It's not funny! Just go out and do not invade someone's space." Taboy ko pa rito na hindi man lang ito natinag.

"You are correct. This is your room." Sagot nito. Buti naman at hindi na ito nakipagmatigasan sa akin dahil nakakaimbyerna din na makipagtalo rito ah. Tapos ngingisihan lang ako? "But at the same time, this is my room as well, so to let you know, we will be sharing room starting this day onwards." Parang bombang pinasabog ang balitang sinabi niya.

What the fuck? Is he serious? We are sharing this freaking room? With this hot dude in front of me? Oh my god, there is no freaking way!

___________________________________

I am happy to reach this far and also received a good news today. I will not yet disclose anything. I will do instant updates if you reach the mile I gave.

Vote and Comment.

Free to Download MoboReader
(← Keyboard shortcut) Previous Contents (Keyboard shortcut →)
 Novels To Read Online Free

Scan the QR code to download MoboReader app.

Back to Top

shares