MoboReader> Fantasy > DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4

   Chapter 37 NO.37

DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4 By charmaineglorymae Characters: 15274

Updated: 2018-02-01 01:00


Snow's POV

Palipat-lipat lang ako ng channel dahil sa boring na palabas na napapanood ko. Wala kasing klase ngayon since it is saturday. Nandito ako ngayon sa entertainment room habang ang dalawang magkapatid naman ay nagmall kasi bibili daw sila ng bagong mga gamit. Si Friah naman ay sumama kay Papa dahil tumutulong din ito sa pamamalakad ng negosyo namin.

Papatayin ko na sana ang TV pero naitigil ko na lang dahil sa breaking news.

BREAKING NEWS: The Prince's visitation conduction on Monday.

"It is one of the most awaited phenomenon for the Crown Prince to visit the university. The Prince is known as a very private person and doesn't show in any parties or gathering in most big events. Everybody is waiting to take a glimpse of the Crown Prince and everybody is waiting this coming Monday."

Napakunot naman ang noo ko. Visitation? Kasali ba ang prinsipe sa visitation ngayon monday? Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Bumabagabag din kasi sa isipan ko ang sinabi ni Ria sa akin na ang Monarch ay ang mga Versailles. Is it some kind of coincidence? Eh kung totoo man yun, ano naman ang gagawin ko? It was all just a dream, a freaking dream and I have no right for claim. Ni hindi ako kilala ni Mikaella at Clad. If Yuan is the Prince, mas lalo na siya siguro na hindi ako kilala nun. So better na wag na lang akong umasa dahil masakit sa totoo lang. Iniisip ko pa lang ngayon ay parang ayoko ng pumasok ngayon Monday.

"Stupid.......... I sounded like I am sure that he is the prince." Naiusal ko na lang. Tama naman, hindi naman sigurado. It could be a different person, siguro ay magkapareho lang sila ng apelyido. Di ba Vel Versailles naman yung apelyido niya sa panaginip ko, so basically pwedeng hindi. Pero bakit ba iniisip ko ito? I should be just thinking about my assignments imbes ang kalituhan ko sa paligid.

Pinatay ko na lang ang TV at pumanhik na lang ako sa study room para gawin yung mga assignments ko. Hindi naman ganoon karami ang assignment ko kaya mabilis ko lang din itong natapos. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo. Tiningnan ko ang mga shelves kung saan ang family album namin. Kinuha ko ang mga yun at sinimulan kong tiningnan yun.

Ang unang album ay picture kung saan ay baby pa ako at isang babae na karga karga ako na hindi ko kilala. Kita ko rin na may family picture kami kasama si Papa kaya napagpalagay ko na mama ko ang babaeng nasa picture. Mukhang sinubaybayan nila Papa ang pagiging bata ko. Pati na rin ng maging grade schooler ako ay marami din akong pictures doon pero lahat ay hindi ko marecognized. Iba din ang pananamit ng batang ako. Halatang introvert ang batang ako na hindi naman ako ganun dati. Ni walang nakangiti sa picture at lahat halos nakasimangot pa. Ni isa ay wala akong maalala sa mga pictures na ito. Kahit yung pictures ko sa high school ay wala pa rin akong maalala sa mga pictures. Pakiramdam ko tuloy ay nagkaroon ako ng amnesia dahil wala akong maalala. Pero halatang ako naman yun sa picture dahil ako naman talaga yun, ang problema lang ay hindi ko talaga siya marecognized. Nakakabaliw to, yung tipong kilala mo ang kasama mo pero hindi ka sigurado sa pagkatao mo.

May mga picture din doon na kasama ko ang step family ko na mukhang masaya kami. May nag-a-outing at nasa mall or sa restaurant. Hindi ko talaga inasahan na ganito kami ka close nina Friah. Parang mas nagiging panaginip na ang mga nangyayari kesa katotohanan. Pero hindi kaya ako nananaginip lang talaga? Kasi ang weird talaga eh, di na kaya ng brain cells ko.

"Sis!" Biglang tawag naman sa akin ni Ria mula sa pintuan ng study room. Nakauwi na pala ang mga ito bakit ang aga naman ata?

"Oh, ang aga niyo naman?" Tanong ko pa at tumayo na ako para ibalik ang mga album sa shelf.

"Ang daming tao kasi sa mall tsaka ang hahaba ng pila kaya umuwi na lang kami. Ang hirap naman kasi restday na nga natin stress pa kami." Sagot naman nito. "Pero bumili kami ng pagkain, bumili kami ng paborito mong adobong baboy."

Pinigilan ko ang mapangiwi. Paanong naging paborito ko ang adobong baboy eh makaseafoods po ako. Adobong baboy talaga? Wala talagang iba?

"Ah, eh, wala bang seafoods?" Tanong ko pa talaga.

Tiningnan naman ako nito ng may buong pagtataka na para bang tinubuan na ako ng dalawang ulo rito.

"I never saw you eating one at ayaw mo rin nun." Nagtatakang sagot nito sa akin.

Napataas naman ang kilay ko. Now it is way too confusing, so ayaw ko ng seafoods? Kelan pa? Eh buhay ko ang seafoods! This new life is too confusing at parang gusto ko na lang matulog ulit at hindi n

umigkas ang kamay ng leyon at tinamaan ang babae sa binti na ikinapunit kaagad ng pantalon nito. Rinig na rinig ko ang iyak at tili sa takot na nagmumula sa babae. Nataranta na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil kung tatakbo ako pabalik baka mapatay na ito ng mga leyon pero anong gagawin ko?

"Damn!" Mura ko na lang dahil parang nacorner din ako dahil wala akong maisip na paraan. Pero nanlaki na lang ang aking mga mata ng biglang umatake ang isang leyon kaya wala sa sarili akong napahakbang at hindi ko na alam kung paano akong nakapasok sa hawla ng mga leyon doon at kung paanong narating ko kaagad ang puwesto ng babae sa isang iglap lang. Maybe it is adrenaline rush, just like what they are calling about at buong lakas akong sumigaw. "Stooooooop!"

Napapikit ako dahil alam ko na sa akin tatama ang leyon. Inihanda ko na ang pakiramdam ko na makagat pero ilang segundo ang lumipas ay walang dumapo sa akin kaya naman ay unti-unti na akong napadilat. Nakita ko na lang ang mga leyon na nakatayo pero mukhang natakot ito na nakatingin sa akin. Nakabahag ang mga buntot ng mga ito and I can see the fear in their eyes. Dahan dahan pang umatras ang mga ito sabay sabay ng may ilang talampakan na ang layo ay agad itong tumakbo at nagtago sa mga batuhan na parang takot na takot ang mga ito.

Bigla naman akong nagtaka sa mga inakto ng mga leyon. Anong nangyare sa mga yun? Mukha ba akong aswang kaya natakot ang mga yun? O baka naman na culture shock lang dahil sa biglang pagsulpot ko sa harapan nila? But fuck! Ang bilis ko pa pala talaga nakarating dito and the hell, hindi ko alam kung paano yun ginawa.

"Adrenaline rush remember?" Pilit na pinaalala ko sa sarili ko na adrenaline rush nga lang yun at wala ng iba. Well, because of it may mga nagagawa tayong mga bagay na lagpas sa kapasidad natin lalo na kung nasa panganib tayo kaya malamang yun ang nangyari.

"Oh my god, salamat Hija." Biglang usal sa akin ng babae na mangiyak-ngiyak pa at niyapos ako.

"Ah, okay lang po. Labas na tayo kasi baka balikan tayo ng mga leyon." Saad ko pa rito. Maniniguro lang. Mahirap na no, baka kasi sinuwerte lang kami.

"O-oo hija." Sagot naman nito at agad naman kaming lumabas sa hawla.

Hindi maubos ang pasasalamat ni Aling Carmen sa akin dahil utang daw niya ang buhay niya sa akin. Halos hindi na nga ako nito pakawalan dahil sa pagpapasalamat dahil kung hindi ko daw siya nailigtas paano na lang daw ang pamilya niya na siya lang ang inaasahan dahil patay na ang asawa niya. Hindi ko naman lubos akalain na ganito ang kuwento ng buhay ni Aling Carmen. Dinala ko na siya sa kanilang clinic dahil may kalmot siya sa binti at dumudugo pa nga pero hindi naman malalim. At sa mahabang pasalamatan ay natapos din yun at napagpasyahan ko ng umuwi. Malaking ngiti ang nakapaskil sa aking mga labi dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasagip ako ng buhay.

___________________________________

Segway muna tayo hehehe. Medyo kaloka ang chapter na ito. I hope you'll find some cues in this chapter.

Vote and Comment.

Free to Download MoboReader
(← Keyboard shortcut) Previous Contents (Keyboard shortcut →)
 Novels To Read Online Free

Scan the QR code to download MoboReader app.

Back to Top

shares