MoboReader> Fantasy > DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4

   Chapter 36 NO.36

DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4 By charmaineglorymae Characters: 12260

Updated: 2018-02-01 00:59


Snow's POV

Napakunot na lang ang noo ko ng makita ko ang nakapost sa bulletin board. May intra-school visitation na magaganap sa university pero hindi naman nakalagay kung anong school ang pupunta. Lahat ay mukhang excited sa visitation, kahit naman ako ay excited din dahil lahat ng ito ay bago sa akin.

"Snoooow!" Biglang tawag naman sa akin ni Mikaella at kasama nito si Clark na dala ang mga gamit nito.

Pinigilan ko ang mapataas ng kilay at ngumisi. Tingnan mo nga naman di ba? Nagkakilala lang ang dalawa nagkalove life na at mukhang in love na in love itong si Clark kay Mikaella dahil halatang halata naman. Halos hindi na mga ito tumitingin sa ibang babae. Kakainggit lang. Kung sa panaginip ko ay sa akin ito hindi makamove on ngayon naman halos hindi nga ako nakikita nito. Swerte ni Mikaella, kaya lang din marami na itong haters dito sa university dahil nga kay Clark pero pinoprotektahan naman ito ni Clark. Knight in shinning armor, saan pa siya?

"Hoy mga love birds! Nandito lang ba kayo para inggitin ako?" Paangil pa na saad ko pero syempre biro lang yun.

Tumawa naman ang dalawa at umakbay naman si Clark kay Mikaella.

"Though shall not envy, you'll find yours too." Nakangiting sagot ni Clark sa akin.

"Shocks, nosebleed ako dun." Reklamo naman ni Mikaella na napahawak pa sa ilong.

"Saan mo ba hinuhugot ang mga yan Clark? Parang galing pa sa baul ang mga yan." Reklamo ko pa rito. Ito ang hindi talaga nagbago kay Clark. Mabait pa rin into minus yung revenge ni Clad dati. Mabait naman kasi talaga yun sa umpisa pa.

Bumuntong hininga naman ito sa naging tanong ko. "Past experience......." Tanging naging sagot nito na tila kay lalim pa ng inisip na pakiramdam ko ay nagtatalo pa ito kung sasagutin ba ang tanong ko o hindi.

"Sino?" Agad naman na tanong ni Mikaella kay Clark na ngayon ay ang laki laki ng pagkakanunot ng noo nito. I smell jealousy in here. Praning din itong si Mikaella eh. Past experience na nga raw at kung makareact naman akala mo eh present experience.

"Hon, we all learn from our experiences from the past. It helps us grow and help us to choose the right decisions, so please don't be mad at me." Nakapout pa talaga na saad ni Clark kay Mikaella. Ang cute lang talaga ng bakulaw na ito!

"Hmp! Ang sabihin mo ang dami mo talagang babae!" Bintang pa nito kay Clark.

Ako naman ay nagpipigil na matawa kasi yung mukha ni Clark ay hindi na maipinta dahil sa mga pinagsasabi ni Mikaella.

"Tss. Hoy Mikaella, syempre ano akala mo sa boyfriend mo? Syempre sa mukha pa lang di na nakakapagtataka yan. Magtaka ka kung ikaw ang first girlfriend niyan dahil baka-"

"What?" Biglang dumilim naman ang mukha ni Clark. Mukhang alam nito ang pinupunto ko.

Nagpeace sign naman ako. "Syempre lalaki ka talaga Clark, wala naman akong sinabi eh." Palusot ko pa.

"Hindi bakla ang Clark ko!" Reklamo ni Mikaella sa akin.

Napapailing na lang ako. May pagka-abnormal din ang dalawang ito eh. Bagay nga silang dalawa, dapat sa panaginip ko ay nagkatuluyan talaga ang dalawang ito eh.

"Hi guys!" Biglang bati naman ni Ria na kararating lang din. Galing pa kasi itong library dahil nakalimutan nitong gumawa ng assignment kagabi dahil nanood pa ito ng mga palabas. Ako naman ay hindi mahilig manood kaya syempre natapos ko talaga ang assignment ko.

"Buti naman nandito ka na, iniwan mo lang si Snow rito." Reklamo naman ni Mikaella kay Ria. Hanggang ngayon ay hindi ko talaga lubos akalain na magiging magkaibigan ang dalawang ito. Mukhang naniniwala na talaga ako na kabaligtaran talaga ang mangyayari sa panaginip mo.

"Sorry naman kasi lagot din ako ni Prof mamaya kung hindi ko gagawin ang assi

ave all your prescription on your sister's so do not forget to drink it." Saad nito at nagpaalam na ito sa amin.

Ganoon na ba talaga kalala ang stress ko para painumin nila ako ng gamot? As far as I know ay hindi ako na-stress dahil talagang weird lang ang nangyayari sa akin ngayon. It seems like I was living from entire different world at biglang napunta ako rito sa unfamiliar na mundong ito.

"Kaya mo na ba Snow?" Tanong ulit ni Ria sa akin.

Tumango naman ako at bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga at nanlaki na lang ang aking mga mata ng makitang alas singko na pala ng hapon! Mag-gagabi na tapos yung last period namin eh kanina pang alas tres!

"Oh shit, ang tagal kong natulog!" Biglang panic ko at agad na bumaba ako sa higaan at inayos ang sarili ko. "We need to go home dahil baka nag-aalala na sila Papa sa atin."

"Ah yeah, about that sinabi ko na lang kay Papa na may group project tayo. I know na ayaw mong malaman nila ang nangyari so gumawa na lang ako ng excuse." Apologetic na saad ni Ria sa akin.

Napangiti naman ako rito. Jeez, ang bait na talaga niya! "Thanks." Naisaad ko sa kanya.

Umalis na kami ng school clinic at pumunta na kami sa parking area dahil hinihintay na din kami ng sundo namin. Habang binabaybay ng sasakyan namin ang daan pauwi ay may nakita naman akong papasalubong na isang magarang limousine. It is very grand at may nakaconvoy din dito na tila mga armored vehicle. Napasunod na lang ako ng tingin and I tried to see kung sino ang sakay ng limo na yun but tinted naman ang bintana kaya wala akong nakita hanggang sa lumagpas na sa amin ang limo. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng panghihinayang na hindi ko naman naintindihan.

"That is the prince's convoy." Biglang saad naman ni Ria.

Agad na napalingon naman ako rito. Prince? So monarch din ang pamamalakad dito?

"Prince?" Naitanong ko pa rito. Hindi ko kasi alam yun dahil wala naman silang sinasabi. Akala ko walang monarch dito. I thought this is a democratic world.

"Yeah. The Versailles." Pinal na sagot nito that made my jaw drop and my heart went into haywire and the thumping sound is already beyond its limits.

___________________________________

I don't know what to say. Kung may mga tanong kayo, masasagot yan sa mga susunod na chapters. I know some of you are confused and some of you ay may idea kung ano ang nangyayari. Don't worry your questions will be answered soon.

Vote and Comment.

Free to Download MoboReader
(← Keyboard shortcut) Previous Contents (Keyboard shortcut →)
 Novels To Read Online Free

Scan the QR code to download MoboReader app.

Back to Top

shares