MoboReader> Fantasy > DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4

   Chapter 20 NO.20

DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4 By charmaineglorymae Characters: 24472

Updated: 2018-01-31 20:46


Snow's POV

Lumipas na ang mga araw at naging busy kaming lahat. Nagkaroon kasi ng mission ang mga Elites na hindi naman ako kasama dahil nga sa kailangan ko pang mag-aral dahil marami daw akong hahabulin. Kaya naman ilang araw din na naging tahimik ang Dorm namin dahil ako at mga katulong lang ang nandoon. Biglaan naman daw kasi yung mission nila na kailangan nilang pumunta sa Sunville City kung saan pinamumunuan ng pamilya ni Luna. Gusto ko pa ngang sumama pero mahigpit ang batas nila dahil hindi ako kasama sa mission. Matiwasay naman silang nagpaalam sa akin lalo na si Yuan na kulang na lang ay bitbitin ako para nakasama sa mission nila. He kept on saying he miss me or he will miss me. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang status namin pero hehehe kinikilig ako kasi parang kami na hindi naman.

Pumasok na ako sa unang klase ko. Power Control 2 ang subject namin. At ngayon naman ay nandito kami sa isang training room at may mga dummies na mga 100 meters ata ang layo mula sa tinatapakan namin. Napakalaki ng training room lalo na at nasa ground floor ito. Magkatabi naman kami ni Yuki dahil magkaklase kami. Pansin ko naman ang mga panaka-nakang tingin ng mga kaklase ko. Ang totoo, gusto ko talaga silang tanungin kung ano ang problema pero pinipigilan naman ako ni Yuki. Sabi nito hayaan ko na lang daw kasi namamangha lang daw sila sa akin dahil nakabalik na daw ako.

"Okay Class, today you will start with target shooting with your elements. You can use any form of weapon as long as it is for target shooting." Saad naman ni Sir Carreon.

"Yes Sir!" Sagot naman namin lahat.

Kaya naman kanya kanya kaming pila sa harap at may tig-iisang dummies kami na kailangan namin pagpraktisan. I don't know if I still have to do this but I already know how to control my ability. This will be as easy as pie.

Huminga ako ng malalim at itinaas ko ang aking kaliwang kanang kamay paharap and a bow made of water appeared. Agad ko naman ikinalabit ang kanang kamay ko and an arrow appeared which is made of water. Agad ko na sinipat ang dummy na may kalayuan at agad akong tumira ng magkasunod and they are all bull's eye. My bow and arrow immediately shifted into fire element at tumira ako ulit, then into air, earth, light and dark. Hindi ko na napansin ang pagtahimik ng aking paligid at ng napatingin ako sa kanila lahat sila ay nakatingin sa akin at nakanganga. Tsk. Uso nga pala sa kanila ang nganga kaya nga nahawa ako.

"Good lords, so its true then. You can weave all six elements." Biglang turan naman sa akin ni Sir Carreon na namamanghang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Does the old Snow knows how to weave in the first place? Pero mali kasi hindi lalabas ito kung hindi dahil syempre katawan parin naman ito ni Snow at ako ay isang ala-ala lang. Malamang walang mga alam ang mga ito sa kakayahan ko.

"Yes." Maikling sagot ko na lang. Ni hindi na ako nagdagdag ng honorifics dahil hindi naman ako sanay.

"Grabe, ang ganda na nga ang galing pa."

"Nasa kanya na ang lahat."

"Unfair no?"

Yun ang mga naririnig ko sa paligid. Hindi ko na yun binigyan pansin pa. Hindi ko naman siguro kasalanan kung ipinanganak akong may ganitong kapangyarihan.

"Bes! Pasikat ka talaga!" Simangot naman ni Yuki na ngayon naman ay sinusubukan na gumawa ng lightning bolt at binabato ito sa dummy na hindi naman tumatama. Napansin ko ang posture niya, may mali kaya talagang hindi ito makakatama.

"Bes, wag mong igalaw ang katawan mo kasi mawawala yung momentum. Try this." Saad ko at nagdemo pa ako. Gumawa ako ng lightning bolt na patulis at ibinato ko ito sa aking dummy at sapol yun.

??<< Yuki.

"OMG! Paanong nakakagawa ka ng lightning bolt?" Parang timang at di makapaniwalang tanong ni Yuki sa akin at nilapitan pa talaga ako.

"Bes, you know why." Maikling sagot ko dito. Nakalimutan na ata nito ang sinabi ko kung sino ako. There is no power that I cannot create. Maliban na lang sa pagtingin sa future. Yun lang ang hindi ko kayang gawin.

"Shit. Nakalimutan ko, damn goddess." Saad nito at bumalik na ito sa puwesto at nagsanay ulit. Kahit papano ay nakakatama na ito minsan pero madalas hindi.

"I guess you no longer need a supplementary class for PC2. You know how to dwell with your abilities. Kung ako lang ang masusunod, you should be taking PC4 already dahil sobrang advance mo na." Biglang saad naman ni Sir Carreon sa akin.

Ngumiti naman ako rito. "There is no fun if I will skip." Sagot ko naman rito. Hindi naman ako sa nagmamayabang, but still, mas mainam na rin na ganito. Kung ako nga lang papipiliin ay hindi ko na kailangan mag-aral pa.

"She's not an Elite for nothing Sir." Ngiting saad naman ni Yuki.

Nagpatuloy na lang kami sa aming activity kaya naman kahit anong weapon for target shooting ang sinubukan ko. Karamihan naman ay hirap sila sa pag-asinta pero hindi sila nahihirapan sa pagcontrol ng kanilang abilidad. They need more training for target control dahil yun ang mahirap.

Natapos naman din ang PC2 namin kaya naman pumunta na kami para sa next subject namin na Demonology 2. Tatlong subject namin sa umaga. PC2, Demonology 2 at Weapons and Combats 2. Wala akong subject sa hapon dahil kasama ako na mag-aassist sa mga first year.

Si Ma'am Abensen ang teacher namin sa demonology 2. Tinuturo dito kung paano manghuli at atakihin ang kahinaan ng mga demon. Ang weird lang pero siguro sa ibang year na ang pagpatay ng demon. Human pacing ika nga. Hindi pwedeng gawing mabilisan. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Ma'am Abensen and slowly taking notes na rin dahil sabi nila mahilig daw ito sa quiz. Mas mabuti ng maagap. Natapos naman ang klase namin sa Demonology 2 kaya nagsilabasan na kami.

"Bes, san ka? After lunch pa susunod na klase." Saad naman ni Yuki sa akin.

Napailing naman ako. "May klase ako kasunod nito. Weapons and Combats 2. After lunch kasi mag-aassist ako ng mga first year." Sagot ko naman rito. Tama, hindi niya pala alam yung buong schedule ko, akala niya magkapareho lahat ng schedule namin.

"Ay oo nga pala no? Nakalimutan ko na mag-aassist pala kayo sa first year. Akala ko bibigyan ka ng exemption dahil kakabalik mo lang." Nakasimangot na saad nito.

Natawa naman ako rito. "Tss. Ano ba pinagsasabi mo. Hindi naman ako nabalda para gawan ako ng exemption." Sagot ko naman rito.

"Oo hindi nga, eh hindi ka nga sinali sa mission na dapat kayong lahat gumagawa di ba?" Sagot pa nito na nakaingos pa. Kung pakikinggan mo siya, parang siya pa ang masama ang loob dahil hindi ako nakasama sa mission, samantalang ako eh okay lang naman.

Natawa pa ako lalo rito. "Yuki, iba naman kasi yun. Totohanang mission na yun at kailangan ko rin maghabol sa klase kasi behind na ako masyado."

Sumimangot pa ito lalo. "Eh paano kung makahanap si Yuan doon ng ibang babae dahil sa mission mission na yan? Alam mo naman na hatakin yun ng attention kahit di sinasadya."

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Makahanap ng iba? Common, dahil kung mangyayari man yun, kakalbuhin ko muna ang babaeng yun at isusunod si Yuan. Pero teka ba't naiisip ko ito eh hindi ko naman boyfriend yun? Sweet nga siya pero wala naman kaming label, so ibig sabihin, wala akong karapatang magselos at magalit at maghiganti pag ginawa niya yun? Huhuhu. Life is so unfair!

"Pero m

ong ko. Naalala ko na naman kasi huhuhu.

"Me....." Biglang bulong ni Yuan sa akin na mas lalong inilapit pa ako sa katawan nito. "You are my baby.... My babe." Anas niya sa akin.

Halos magtayuan na ang lahat ng balahibo sa katawan ko sa sobrang kilig. Diyos ko, kill me now! Pero wag muna hahaha magpapakasasa muna ako hahaha. Pero bigla naman akong naguilty. Kailangan ko itong sabihin sa kanila, ayokong magsinungaling huhuhu.

"May sasabihin pala ako sa inyo." Kinakabahan na saad ko sa mga ito.

"Ano yun?" Takang tanong ni Avis sa akin.

Agad ko naman na hinila si Yuan at pinaupo ito sa sofa at humarap ako sa kanila.

"You have to know about this dahil ayokong magsinungaling sa inyo. Ngayon ko lang din ito nalaman." Saad ko at tumingin ako kay Yuan. Hindi ko alam kung matatanggap niya ako huhuhu. "M-may a-anak na ako." Huhuhuhuhuhuhuhuhu.

Parang bigla naman silang natigilan na yung nga reaction nila ?????????? ganun na ganun.

"What?" Biglang react kaagad ni Yuan ng makahuma ito.

"Yuan, hindi ko rin alam eh. Nagulat na lang din ako. Narating ko yung kagubatan kanina tapos biglang may isang higanteng lobo na lang ang dumagan sa akin at sinabi niya na anak ko raw siya huhuhu. Hindi ko alam na nagka-anak pala ako at ang masaklap pa, isang lobo ang ama. Hindi na ako virgin huhuhu." Hindi ko na napigilan ang umiyak kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap.

Pero sa lalong ikinagulat ko ay bigla naman silang tumawang lahat. Hindi ko maintindihan dahil iyak na nga ako ng iyak pero pinagtatawanan naman nila ako.

"Laptrip ka Snow! Wahahahahahaha." Saad ni Luna na hindi mapigil sa katatawa.

Kita ko naman si Jin na natatawa din ito pero hindi kasing lala ni Luna, Avis at Violet. Si Yuan naman ay nakangisi na halatang pinagtatawanan din ako. Hindi ko inaasahan na ganito ang kanilang reaction, nakakasama ng loob!

"Grabe kayo! Pinagtatawanan niyo lang ako. Ang laki ng problema ko ngayon pero kayo pinagtatawanan niyo lang ako." Nakabusangot na sita ko sa mga ito.

"God, Snow... Hindi ko alam kahit nawala memorya mo, hindi pa rin nawawala yang nakakatawang side mo." Natatawang saad naman ni Violet.

Sumimangot lang ako lalo, wala na akong pakialam kung ano man ang itsura ko ngayon dahil naaasar na ako.

"Snow, ganito kasi yun hahahah." Tumawa pa talaga ito at hindi pa nakamove on. "Yung dumamba sayo, si Silvan yun. Anak anakan mo yun dahil ibinigay yun ng reyna sayo. You treated him as your own son. Pero hindi mo siya anak biologically hahahaha." Natatawang paliwanag naman ni Luna sa akin.

Biglang nagliwanag naman ang aking mukha sa narinig. So, hindi pala ako narape ng lobo? Hahahahahahahahahaha! Pinakamasayang balita na talaga ito para sa akin.

"Talaga? Sure ka Luna?" Panigurado ko pa rito.

"Oo nga, kulit mo hahaha." Natatawang sagot naman nito sa akin.

"So ibig sabihin, virgin pa ako?" Agad na tanong ko.

Biglang natigil naman sila sa kakatawa na ngayon ang natigilan naman sa sinabi ko.

"Syempre!" Sagot kaagad ni Luna.

Pero napadako naman ang tingin ko kay Yuan na ang laki ng pagkakangisi nito and his grin was telling me something else! Kinabahan ako sa ngising ito.

Pero hindi ko na ito pinansin pa dahil ang importante, para sa sarili ko virgin pa ako! Si Luna na ang may sabi.

Tumayo naman bigla si Yuan at lumapit sa akin. "Take a rest, I'll send you to your room." Saad nito and his eyes were sparkling na hindi ko alam kung anong ibig sabihin.

"Okay." Saad ko na lang na ngayon ay talagang gumaan na ang aking pakiramdam. Wala na yung bigat na kanina ko pa ininda.

Agad naman kaming nagteleport at derecho yun sa loob ng aking kuwarto. Huhubarin ko na sana sapatos ko pero bigla naman akong niyakap ni Yuan mula sa likod.

"Babe..... Do you want me to check if......." Talagang sinadya pa nitong bitinin ang mga sasabihin, nakakaasar. "You are still a virgin or not?" His breath was fanning on my neck while his lips gently brushing in my left ears and I even felt he smiled.

Diyos ko pong mahabagin! I know what he means! Oh tukso layuan mo akooooooo! Kaya naman agad ko itong sinapak na ikinagulat naman nito.

"Hoy Yuan ha, wag mo akong maganyan ganyan. Ni hindi kita boyfriend." Simangot na saad ko rito.

Biglang naging blanko naman ang expression nito na nakatingin sa akin. Parang gusto ko naman pagsisihan ang mga sinabi ko. Did it hurt him? Shit, bakit ang tanga mo Snow?

"Then lets be official." Biglang saad naman ni Yuan sa akin.

Ako naman ngayon ang napanganga. Nakikiuso lang ako hahaha. "What do you mean?"

"I am your boyfriend now and you are MINE." Pinal na saad nito and in just a swift second I was already cage in his arms and found my lips lock on his lips savouring the most breath-taking kiss I ever had.

___________________________________

Kinilig ba kayo? Please right down your comments below!

Vote and Comment.

Free to Download MoboReader
(← Keyboard shortcut) Previous Contents (Keyboard shortcut →)
 Novels To Read Online Free

Scan the QR code to download MoboReader app.

Back to Top

shares