MoboReader> Fantasy > DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4

   Chapter 15 NO.15

DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4 By charmaineglorymae Characters: 15153

Updated: 2018-01-31 20:43


Snow's POV

Nagising na lang ako dahil sa malakas na kalabog sa kabilang kuwarto. Napatingin naman ako sa wallclock at alas otso na pala ng umaga.

"Snow! Gising na! Nandyan na ang sundo oh!" Sigaw naman ni Mikaella sa akin na kinatok pa talaga ang pintuan ko na nakalock.

Napatalukbong naman ako ng kumot. God, gusto ko pang matulog dahil hirap akong matulog kagabi dahil paulit ulit kong naiisip ang nangyaring kapangahasan sa akin ng hindi ko kilalang tao. Kumikirot ang sentido ko at marahas akong napabangon.

"Wag ka ng magdala ng mga damit dahil marami ka dun." Sigaw pa ulit ni Mikaella.

Hindi na ako nagsalita. Bumangon na lang ako at pikit matang pumanhik sa banyo para maligo. Ewan ko basta tinatamad ako malamang dahil sa kakulangan ko ng tulog. Dati hindi naman ako ganito. Walang problema sa amin mga diyos ang tulog dahil hindi naman namin yun kailangan pero ngayon na tao na ako, ang hirap parang basic necessity na talaga ito at hindi pwedeng mawala.

Hindi naman ako nagtagal sa banyo at agad na akong pumanhik sa kuwarto ko at nagbihis lang ako ng isang black tights, grey midriff at isang check polo shirt na hindi ko na isinarado ang pagkabutones.

Napangiwi naman ako ng walang makitang flats doon. Ngayon ko lang narealize. Hindi nga pala kami nakabili ng flats maliban sa tsinelas dahil sa trabaho namin. Hindi pa nga nakakamove on itong paa ko ay sasabak na naman sa heels pero wala akong magawa dahil killer clothing ang suot ko tapos paparesan ko ng tsinelas? Naku, never! Kaya pinili ko na lang yung boots na may 2 inches heels lang at hindi payak ang heels nito malapad kaya hindi masyadong masakit sa paa.

Agad ko naman na sinabit ang purse ko sa aking balikat at lumabas na ako ng kuwarto. Tamang tama naman dahil may nakahandang kape na nasa isang styro cup na may cover pa kaya kinuha ko na yun at tumangay din ng sandwich. Nakita ko naman si Mikaella sa labas na tila inip na naghihintay sa akin kaya lumabas na kami.

Nagulat pa ako dahil nandito din si Vrennah at umiiyak pa dahil aalis na kami.

"Nakuuu, hindi ba pwedeng dito na lang kayo? Pwede naman na gawin ninyo itong bahay kung lalabas kayo sa Academy." Emosyonal na saad nito. Maraming naitulong si Vrennah sa amin. Siya lang naman ang nagbigay ng mga pangangailangan namin noong sandali na walang wala kami.

"Naku po Vrennah. Sayang din po ang kikitain niyo dito. Pero wag kayong mag-alala, bibisitahin ka naman namin kung may pagkakataon." Nakangiting saad ni Mikaella rito. Madaldal talaga ang babaeng ito.

"Oo Vrennah. Sayang ang pwesto kaya paupahan mo." Sang-ayon naman na saad ko rito.

"Nakuuu, mawawalan na ako ng ubod ng ganda na kapitbahay." Naiiyak na saad nito.

Natawa naman kami ni Mikaella at nagpaalam na rin dito. Wala kaming dalang gamit kaya walang pahirapan. Sumakay na kami sa limousine na pakiramdam ko ay pamilyar sa akin o baka naman guni-guni ko lang ang pagiging pamilyar ng sasakyan sa akin.

Naging maingay si Mikaella sa buong biyahe na pinapaalam sa akin ang mga lugar at mga nadadaanan namin. Kung pakikinggan mo siya ay parang talagang alam nito ang lahat. Di nagtagal ay dumaan na kami sa tahimik na lugar puro puno pero kulay pink ang mga ito. Napamaang ako. Kung di ako nanggaling malamang nakita ko na ito dati pa. Malamang ganito din ang pakiramdam ko ng makita ko ang mga puno. Napangiti na lang ako ng maisipan yun. Malaki ang kagustuhan ko na maalala ang lahat. Pakiramdam ko ay kay laki ng nawala sa akin. Parang may importanteng nawala sa aking ala-ala na mahirap ipagpalit sa isang bagay.

Di naman nagtagal ay natanaw na namin ang isang napakalaking gate na kulay puti at gold. Ang laki sobra parang pang giant yung gate eh. Pero bumukas naman yun kaya naman ay nakapasok kaagad ang sinasakyan namin. Napanganga na lang ako ng nakita ang paligid. Grassy plain na may iilan na pink na puno. May pabilog sa gitna ng malaking building at may Fountain doon at may iilan din na mga nakauniform ang naglalakad doon. Black coat, red check skirt, white shirt at red check tie. Yun ang mga suot ng mga babae. Mga lalaki naman ay black coat, black pants, white polo and red check tie.

Agad na nagpark ang limousine sa harap ng building at agad na umani ang sasakyan ng mga tingin. Nakita ko naman kaagad sila Luna na excited na nag-aabang sa amin. They are wearing white coat, black check skirt, white shirt at black tie at may gold pa na burda sa kaliwang dibdib ng coat nito. I was wondering why they are wearing a different uniform. Lahat sila, na nakilala ko kahapon.

N

y to find out it was my study table. Nang ibinalik ko ang tingin ko sa kanya ay napasinghap ulit ako dahil sobrang lapit na niya. I can even feel his body heat.

"A-ano b-ba ang k-kailangan mo?" Nauutal na tanong ko rito. Sobrang nakakailang ang ganito kami kalapit! Shocks, baka mademonyo ako bigla dito! ??

"Here..." Saad nito at may inilapag to sa study table.

Napatingin naman ako roon at nakita ko nga ang mga iilang books na hindi ko man lang napansin na bitbit pala niya yun. Ganun ba talaga ako ka distracted sa kanya kaya di ko na napansin pa na may bitbit pala ito? Kaya naman pala siguro lumapit dahil kailangan ilagay sa pesteng study table na ito. Muntikan na talaga akong mag-assume ah.

"Ano to?" Takang tanong ko rito.

I even touched the book with my left hand at biglang may kuminang sa left hand ko. Napatitig ako doon to see it was the ring. I am wearing this ring since I woke up from a long sleep at hindi ko alam kung bakit meron ako nito pero pakiramdam ko ay napakaimportante nito. It is a double hoop golden ring na may malaking diamante sa gitna. Hindi sumagot si Yuan kaya naman napatingin ako sa kanya at nakita ko ang kanyang mga mata na nakatuon sa aking kaliwang kamay na nakahawak sa libro. I don't know but I saw happiness in his eyes looking on my hand or the books? Hindi ako sure kung ano ang tinititigan niya.

"These are your text book last school year. I will be the one who will personally refresh these subject so you will not be having a hard time with your second term." Paliwanag naman nito na sa akin na nakatingin.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa tuwa. Tutulungan niya ako!? Ang saya! Pero ewan kinilig ako eh haha. "Really? Then thanks..... I'll hope I'll remember some of the topics." Sagot ko naman rito and I gave him my most sincere smile.

I saw his lips formed into a thin line. His expression is like he is holding himself back on something. He is like in pain while looking at me. Parang isang gutom na nasa harap na ng pagkain pero hindi pa pwedeng kumain. Ganun ang tingin ko sa kanya ngayon.

"I........" Putol na saad nito at lumunok pa. ".....will surely make you remember everything..." Anas nito sa akin and then he disappeared.

Para naman akong nahugot mula sa pagkakalibing at napahinga ako ng malalim. Hindi ko napansin na pigil ko pala ang hininga ko sa harap niya. Napapikit na lang ako. Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari sa akin. Hindi ako inosente sa nararamdaman ko alam ko kung ano ito at natatakot ako dahil ang bilis bilis ng pag-usbong nito. Parang kahapon lang ay si Clad yung gusto ko at ngayon ay iba na. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko.

"God, I am so in trouble." Naaawang sambit ko na lang dahil alam ko na heartbreak lang ito. He likes Mikaella, Mikaella likes him back at wala akong lugar sa kanilang dalawa.

___________________________________

If naivety kills, then Snow is already dead. Hay naku, drama muna tayo guys. Tsaka na yug ibang kilig kilig dyan hehehe.

Vote and Comment.

Free to Download MoboReader
(← Keyboard shortcut) Previous Contents (Keyboard shortcut →)
 Novels To Read Online Free

Scan the QR code to download MoboReader app.

Back to Top

shares