MoboReader> Fantasy > DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4

   Chapter 13 NO.13

DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4 By charmaineglorymae Characters: 21773

Updated: 2018-01-31 20:41


Snow's POV

Naging marami na ang mga tao sa paligid. Nag-umpisa na rin kami at marami nga ang kumakain. Parang naging grand buffet ang quadrangle dahil sa kainan na nakahilera. Nagbibigay lang ako ng ngiti at nagsisilbe at kumukuha ng order. Kataka-takang maraming kumakain sa amin kesa sa iba kaya naman yung manager ng kabilang resto eh sambakol ang mukha at matalim na nakatingin sa aming pwesto.

"Grabe parang walang katapusan ang buhos ng customers." Komento ko naman kay Mikaella na pareho kaming nakatayo dahil wala kaming ginagawa.

"Naku, mas dadami pa ito kung sisimulan na ang parada." Nakangiting saad nito. "Excited na ako."

"Halata nga." Nakaismid ko naman na saad rito.

"Asus, alam ko matutuwa ka. Malay mo, matagpuan na natin ang hinahanap natin." Makahulugang saad nito sa akin.

"Ang alin?" Tanong ko naman. Nahahalata ko kasi ang mga sinasabi nito pero hindi ko naman alam kung ano ang hinahanap nito. Kayamanan kaya?

Ngumuso naman ito. "Mga kaibigan." Simpleng saad nito.

Napatango naman ako rito. Kung taga dito ito malamang may mga kaibigan ito dito. Eh paano kung taga rito din ako? Eh di may kaibigan din ako rito? Pero napapailing na lang ako dahil sumasakit lang ang ulo ko sa kaiisip.

"Aba, abangan mo mga kaibigan mo. Ipakilala mo ako ah." Nakangiting saad ko rito at iniwan na ito dahil may dumating na naman na bagong mga customer. Nandito ako para kuhanin ang mga order.

Agad naman na naglista ako at ibinigay sa counter ang order. Napapatingin naman ako sa likuran. Nandoon ang portable kitchen area namin at abala din doon ang chef sa kakaluto ng mga order. Sa totoo lang mahirap ang ganito pero ayos lang din, kakayanin naman namin lahat.

Agad naman na nagkagulo sa may kalayuan at nagtitilian. Kaya naman kaming lahat ay napatingin sa kung saan ang tilian. Nakita ko na kang ang mga karwahe na may mga parola na pula na dahan dahang gumagalaw paabante. Malamang ang royal family na ang sakay doon. Ibinaling ko naman ang aking tingin sa mga customer na kapwa napatayo rin dahil nanonood. Hindi ko alam kung ano pa ang sense ng pagtayo eh hindi din naman kita ang mga nakasakay doon dahil sa mga tao.

Agad na pumanhik ulit ako sa counter at kita ko na busy si Gisel sa kakalista ng kung anu-ano. Hindi ko rin alam kung ano ang nililista nito dahil hindi naman ito kasali sa trabaho at natutunan ko.

"Snow, maghanda kayo kasi may nagsabi na pupunta ang Royal family sa quadrangle para tingnan ang mga booth." Saad naman ni Gisel sa akin na nakayuko pa rin na akala mo eh nakapako na ang ulo dun.

"Ah talaga?" Maang na saad ko rito. Wala naman akong maramdaman. I don't feel inferior at all, siguro dahil sa complex ko na hanggang sa ngayon ay iniisip ko na isa pa rin aking diyos. Nakakalimutan ko na tao na ako.

"Grabe ka. Ganyan lang ba ang reaksyon mo? Nakuuu, baka kung makita mo ang prinsipe, baka panawan ka ng ulirat. Ang gwapo pa naman nun. Hindi lang gwapo, nuknukan pa." Nakatingin na turan sa akin.

Di naman nagbago ang ekspresyon sa aking mukha. "Great." Maikling saad ko. Gwapo? Si Clad lang ang alam ko na nuknukan ng gwapo, may mas gwapo pa ba dun?

Ngumiwi naman ito sa akin. "Grabe, ang wierd mo talaga." Talagang sinabihan pa ako nito.

Ako naman ang muntikan na napangiwi. Ako pa talaga ang wierd ngayon. Siya nga itong adik sa word na grabe hindi nawawala sa sentence niya yan. Parang karugtong na ng atay at balunbalunan niya. Tapos ipinagmamalaki nito ang isang tao na gwapo daw. Siya ba dapat magmalaki nun? Di ba dapat yung tao? Hahaha, tapos ako oa ang wierd? Come on!

"Di ako wierd Gisel, di lang talaga ako interesado sa mga bagay na yan." Ngiwing saad ko rito, baliw na ako kung magkakainteres ako sa mabababaw na dahilan.

"Kunsabagay keganda-ganda mo nga naman, baka sanay ka na sa gwapo." Natatawang saad nito sa akin.

Di lang sanay, naumay na nga kaya tumakas ako. Gusto kong matawa sa isipang yun kahit hindi naman totoo hahaha. Napansin ko na lang na mas dumami pa ang mga tao kaya napalinga linga naman ako para hanapin si Mikaella at tumigil ako dahil hindi ko na ito nakita.

???

Mikaella's POV

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Fevelyn sa di kalayuan at tumitingin tingin ito sa mga paninda. Kaya naman walang pasabi ay iniwan ko kaagad ang puwesto ko para lapitan ito. Ito na ang pagkakataon at ayokong palampasin ito.

"Fhevyyyyyyyyyyyyy!" Mahabang tawag ko rito.

Kita ko naman na natilihan ito at napatalon pa ng kaunti at lumingalinga sa paligid para hanapin ang tumawag rito. Nanlaki na lang din ang mga mata nito ng makita ako at gaya ko tumakbo rin kaagad ito papunta sa akin.

"Ohhhh my goooooood!" Mahabang tili nito at tsaka nagyakapan kaming dalawa ng mapang-abot kami. "Mikaella! Oh my god! Oh my god you're here!" Saad kaagad nito at agad na tiningnan ang nakapalibot sa akin na tila may hinahanap. "Teka, nasan si Snow?" Kita ko sa mukha nito ang gulat, saya at excitement.

"Nandoon siya sa resto." Saad ki at itinuro ko ang dereksyon. "Teka, wag mong puntahan, baka matakot yun sayo. Wala pa naman siyang maalala." Malungkot na masayang saad ko rito. Malungkot ako dahil nga sa ko kondisyon ni Snow at masaya dahil nagkita na kami. "Pero teka, nasaan si Beberlyn? Himalang hindi ko ata kasama ngayon?" Nagtatakang tanong ko rito. Kasi malimit ko lang makita na hiwalay ang dalawa.

Napanguso naman ito. "Kasama ng nga Elite. Nauna na ako rito dahil may gusto akong bilhin. Pero teka, paanong nandito kayo? Di ba nasa dark continent kayo? Paanong nakabalik kayo?" Ulan kaagad ng tanong nito sa akin.

Napangiwi ako sa dami ng tanong nito. "Mahabang kwento Fhevy." Tanging naisaad ko. "Basta ikukwento ko. Pero isa lang ang pwede niyong gawin. Hindi kayo kilala ni Snow kaya hindi niyo siya dapat biglain. Ako lang ang kilala niya, kaya dapat maingat kayo sa mga kilos niyo." Paalala ko naman rito.

Tumango naman ito sa akin. "Alam naman namin na nawala ang ala-ala niya dahil nakita na yun ni Beberlyn. Pero sige, makakaasa ka pero kailangan malaman ito ng Elites na nandito na kayo, lalo na si Yuan dahil konting tambling na lang mababaliw na yun sa kakahanap kay Snow." Turan naman nito sa akin na bahagya pang natawa kahit yung totoo eh hindi nakakatawa kundi nakakapag-alala.

"Nakukuha mo pa talagang tumawa eh. Pero layas na. Sabihan mo ang mga Elites. Kailangan na namin makabalik sa Academy at kung pwede, wag masyadong halata na sadya ang lahat ng paglapit kay Snow dahil baka maghinala yun." Saad ko ulit rito.

Tumango tango naman ito ulit s

akin pero ininda ko yun. Nagsimula na ang hudyat kaya nagcurtsy kaming lahat.

"Welcome, Royal Family. Long live the King and Queen and The Prince!" Bati namin sa kanila na may kalakasan ang boses.

Pagkatapos ng pagbati ay tsaka kami nagtaas ng tingin. I slowly raise my head and my eyes was nailed on the ground until I slowly raked my eyes upwards only to meet the most captivating eyes. Napasinghap ako bigla ng magtama ang paningin namin ng lalaking mahaba ang buhok at kulay puti ito. Masasabi ko talaga, tang-ina ang gwapo! Pero napalunok ako, dahil pakiramdam ko ay nakita ko na siya dati. Long white hair. Napasinghap ulit ako dahil naalala ko na napanaginipan ko na ang ganitong klaseng qualification ng isang tao.

Mas lalo naman lumakas ang kabog ng aking dibdib ng hindi binitawan ng lalaki sa harapan ko ang tingin sa akin. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa mga mata nito. Blanko ang kanyang mukha, pero ang mga mata niya ay parang ang daming sinasabi at hindi nito inaalis ang tingin sa akin.

Ako na ang kusang nagbaba ng tingin dahil hindi ko na kinaya ang intensidad. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay kilala niya ako! Hindi nagsisinungaling ang mata. I can see recognition in his eyes and longing? Pero hindi ko siya kilala at imposibleng kilala ko siya dahil siya ang prinsipe at naging tao ako, isang hamak na tao lang!

"This way please, your royal highness." Basag naman ni Mikaella.

I cursed silently. I was supposed to say that pero wala, hindi na ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay nilamon na ang aking dila. Kaya naman tahimik na pinasalamatan ko si Mikaella at agad kami na nagpivot ang tahimik na tinhak ang daan papunta sa mesa. Ramdam ko na sumunod ang mga ito at ramdam ko rin ang tingin nito sa kabuuan ko. Gustong kong mapapikit, nakakailang kasi. Buti sana di ko nararamdaman pero ramdam ko eh!

Pero kahit gusto ko ng ngumiwi ay pilit pa rin na ngumingiti ako. Nang makarating kami sa mesa ay agad namin na hinila ang upuan para sa kanila. Tatlo kaming humila ng upuan at agad kaming tumungo.

Ramdam ko na may tumabi sa akin at alam ko kung sino yun. Langhap na langhap ko ang bango nito kaya naman ay napalunok ako. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko dahil rito. Pero bigla na lang nanigas ako sa aking pagkakatayo dahil naramdaman ko na humawak ito sa aking siko! Sa aking walang muwang na siko! Parang biglang nagwelga lahat ng bulate sa katawan ko dahil sa simpleng hawak nito! Jusko po! Kunin niyo na ako!!!!!

Dahan dahan naman akong nataas ng tingin at tumingala dahil higit na mas matangkad siya kesa sa akin. Nangmagtama ang aming mga mata ay kitang kita ko ang emosyon nito. His eyes saying he is missing someone so much, pero bakit nakikita ko ito sa kanya habang nakatingin sa akin? Ganun na ba ako ka sensitive ngayon? I can even see his jaws clenching na tila nagpipigil ito sa hindi ko malaman na dahilan.

"Thank you...." Mahinang saad nito na halos magtayuan naman ang lahat ng balahibo ko. Jusme! Ang boses! Ang boses! Makalaglag panga! Kung literal na nahulog ang panga ko, malamang pinulot ko na iyon ngayon! Ang ganda ng boses, malalim at tila nakakaakit! ?? And I am worried dahil parang naaakit ako!

Dahan dahan na nanlandas ang kamay niya pababa hanggang sa nabitawan na na niya ako. Napalunok ako dun kasi parang libo libong boltahe ang dumaan sa bawat himay himay ko dahil dun. Pasimpleng haplos lang ang peg ng mamang pogi! Napakurap na lang ako ng umupo ito sa upuan na iniumang ko. Mas lalo akong kinabahan ng nakita ko ang hari at reyna na nakatitig sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa kanila at hindi ko rin alam kung bakit sila nakatingin sa akin! ??

"Oh, you are already here!" Biglang sambit naman mula sa kung saan kaya naman napabaling ako ng tingin.

Agad na nakita ko sina Luna at mga kasama nito na pumasok na rin at umupo kaagad sa bakanteng mesa. Napaisip naman ako, bakit pumasok sila eh para sa Royal Family lang ang oras na ito? Pero hindi naman ito sinuway kaya pinabayaan ko na lang sila.

"Snow! Ang ganda mo talaga!" Sigaw naman ni Avis.

Ngumiwi naman ako rito. Walang pinipiling lugar ang bakulaw na ito. Nakakahiya! Pero naputol na lang mga iniisip ko ng magsimula ng ibigay ang menu.

___________________________________

Bumabawi ako dito na chapter. Mahaba, kaya sana magustuhan niyo.

Vote and Comment!

Free to Download MoboReader
(← Keyboard shortcut) Previous Contents (Keyboard shortcut →)
 Novels To Read Online Free

Scan the QR code to download MoboReader app.

Back to Top

shares