MoboReader> Fantasy > DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4

   Chapter 11 NO.11

DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4 By charmaineglorymae Characters: 12126

Updated: 2018-01-31 20:40


Snow's POV

Bagsak ang aking mga panga sa aking mga nakikita. For the first time, ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong klaseng istraktura. Nasanay ako dati na mga simpleng kubo at palasyo lang ang malaki pero ngayon, parang tatalunin pa ang palasyo sa taas ng mga buildings ba tawag dito? Yun kasi hula ko.

"Snow! Tumabi ka!" Sigaw naman ni Mikaella sa akin at agad akong hinila.

Nanlaki na lang ang aking mga mata dahil may dumaan na sasakyan na de gulong. Mabilis ang harurot nito. Bumusina pa nga ito habang papalayo.

"Ano yun Mikaella?" Naitanong ko na lang sa kanya. Pakiramdam ko ay alam ko kung ano yun pero di ko mapangalanan.

"Sasakyan tawag dun. Kotse. Car. Kaya di pwedeng tutunganga dito sa gitna ng kalsada kasi masasagasaan ka." Litanya naman ni Mikaella sa akin.

Napanguso naman ako. "Di ko naman kasi alam, akala ko sila yung iiwas sa akin." Sagot ko rito. Totoo naman kasi dahil doon sa realm, pagdumaan ako lahat iiwas para sa akin.

"Naku Snow, dito kailangan mong umiwas dahil kung hindi matitigok ka." Nakangiwing saad nito sa akin.

Napabuntong hininga naman ako. Mukhang maninibago ako rito pero siguro naman, dahil sa kultura ito ng mga tao ay susundin ko na lang. Walang choice eh haha.

Pumasok na kami sa ark at naglakad na nga kami sa gilid ng malapad na kalsada na may mangilan ngilan na dumadaang sasakyan. May mga napapatingin sa akin, minsan pa nga humihinto. Yung mga nakakasalubong naman namin ay napapanganga na lang pagnakikita ako.

Booghs!

Napakurap na lang ako dahil nakita ko na sumalpok yung sasakyan sa poste na hindi naman kalayuan sa amin. Kahit di ko alam, alam ko na hindi maganda ang pangyayaring yun. Agad naman na nagtakbuhan ang mga tao para palibutan ang nabanggang sasakyan. Kami naman ni Mikaella ay napako sa kinatatayuan at maang na napatingin.

"Mikaella, punta tayo. Tulungan natin yung mama." Saad ko rito at akmang hihilain ko na ito.

"Nakuuuu, okay na yan. Ang daming tao na o, tapos may nagtawag na rin ng ambulansya kaya wag ka ng mag-alala. Alalahanin muna natin kung saan tayo tutuloy. Di ko pa naman kabisado ang lugar na ito." Ngiwing saad ni Mikaella.

Biglang nabahala naman ako sa sinabi nito. Di niya kabisado ang lugar? Eeehhhhhhh? Baka maligaw kami!? Oh baka naman naligaw na nga kami! Jusko po.

"Hoy, bakit di mo sinabi. Paano tayo ngayon?" Nag-aalalang saad ko. Syempre, matutuwa ka ba kung alam mong naliligaw ka na? Hahaha.

"Di tayo naliligaw, hindi ko lang talaga kabisado ang sentro. Pero tama na nandito tayo dahil dito dapat tayo." Saad nito at nag-umpisa na itong maglakad ulit.

Nakangusong nakasunod ako rito. "Eh san tayo ngayon? Wala naman akong kakilala rito."

"Kung pwede lang kitang kaltukan para maalala mo lahat." Saad nito sa akin at napaatras naman ako.

"Ang harsh mo naman ah!" React na react ko dito na nanlalaki pa ang mga mata ko.

"Sabi ko lang kung pwede lang sana eh di ko naman pwedeng gawin yun sayo. Tara na maghanap muna tayo ng matutuluyan, dahil di tayo basta-bastang makakapasok sa Academy." Usal nito.

Napakurap naman ako. "Academy? Di ba school yun?" Tanong ko dito at sunusundan ko na ito na nasa kanya ang tingin.

"Oo. Nandoon sa bandang parte pero malayo masyado. At di rin tayo nakakapasok kung walang imbetasyon." Sagot naman nito sa akin at itinuro pa ang isang malayong parte na tingin ko ay kabundukan ang itinuturo nito.

Napatangu-tango naman ako. Grabe sa totoo lang wala akong masyadong maintindihan hahahaha. Tango na lang ako para tapos ang usapan.

"Kyaaaahhhhhh! Magnanakaw!!!!" Biglang sigaw naman sa di kakayuan.

Napakunot naman ang noo ko at t

ko alam kung saan galing ang ideya na yun pero yun kaagad ang pumasok sa isipan ko. May kaliitan ang sala at simple lang ang nga muwebles. May dalawang kuwarto rin at isang banyo.

"Sige, dito na kayo tumira. Libre lang ito dahil kung hindi sa inyo ay baka mamroblema na ako sa ibabayad sa tuition ng anak ko. Pero teka maiwan ko muna kayo dahil pupunta muna ako sa station para ireklamo ang magnanakaw na yun." Nakangiting paalam nito sa amin at umalis na nga.

"Wow, di ko akalain na sa isang iglap lang may matutuluyan na tayo." Hangang komento ni Mikaella sa akin.

"Tsk. Maabilidad eh." Ngising saad ko.

Napangiwi naman ito. "Alam mo nakakagulat yang pagkastraight forward mo. Di ka naman ganyan dati sa dark continent." Komento ni Mikaella sa akin.

Alam ko ang tinutukoy niya pero di ko alam. Simula ng tumuntong ako rito. Tila pinupukaw ang isang damdamin sa kaibuturan ko at isa na ang mga ito sa mga iniakto ko.

"Paano tayo mabubuhay dito kung lalamya lamya lang tayo. Ikaw talaga." Saad ko na lang tito.

Natawa naman si Mikaella. "Oh siya siya... Isang problema na lang. Kailangan natin ng trabaho para may pagkain tayo at masimulan na ang dapat simulan." Saad naman nito sa akin.

Napanguso naman ako. "Kailangan talaga?" Tanong ko rito. Di pa ako nakapagtrabaho pero alam ko naman ang itinutukoy nito. Ito ang paraan para mabuhay ang tao at kumita.

"Oo, kailangan talaga kasi di na tayo tulad ng dati na provided lahat ng kailangan. Magtatrabaho tayo para may makain." Proud pa na saad ni Mikaella.

Ngumisi naman ako. "Gusto ko yan."

Lumabas lang saglit si Mikaella at ilang minuto ay may dala na itong mga damit at sapatos na hindi ko alam kung saan kinuha nito.

"Ito suotin mo. Maghanap na kaagad tayo ng trabaho." Saad nito.

Napatingin naman ako sa damit. Kakatwa dahil pantalon yun na parang stretchable at isang hapit na pink na ewan ko sa design na blouse.

"Teka saan to galing?" Tanong ko rito.

"Aahh... Ehhhh... Basta suotin mo na lang yan. Daming tanong." Nagmartsang saad nito at bastang pumasok lang sa isa sa mga kuwarto.

Napakamot naman ako ng ulo at pumasok na ako sa banyo para maligo. Di ko alam. Lahat sa akin ay bago pero may kakaibang saya ang unti-unting sumisibol sa dibdib ko.

___________________________________

Omo, sorry haha hindi masyadong spice up kasi pineprepare ko pa ang mga mangyayari. Kaya abangan ang mga kasunod na update!

Free to Download MoboReader
(← Keyboard shortcut) Previous Contents (Keyboard shortcut →)
 Novels To Read Online Free

Scan the QR code to download MoboReader app.

Back to Top

shares