MoboReader> Fantasy > DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4

   Chapter 5 NO.5

DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4 By charmaineglorymae Characters: 9533

Updated: 2018-01-31 20:36


Snow's POV

Para na lang akong batong nakatayo ngayon. Ni hindi ako nakagalaw. Nak ng tupa, si Yuan naman kasi diredirecho, wala man lang opening spiel, transition to decision kaagad! Kaya ngayon ang dalawang tao na kaharap namin, nakanganga.

Tumikhim naman ang hari ng natauhan na ito. "Wait, is she even know that you are marrying her?" Paninigurado pa nito.

"Of course Father. What kind of question is that? I won't be giving you trouble on telling this if I am not serious." Malamig na saad nito na parang nainis pa sa ama nito.

"Yuan..... Yuan.... My boy is turning into a man! Finally! My ship is coming to the dock!" Masayang saad nito na ngiting ngiti pa.

Ako naman ang hindi makaintindi rito. Bakit umabot sa barko ang usapan? Ang layo naman di ba?

"If you are worried if I am against with this, no I am totally not. You know Yuan from the start that I like Snow for you. I can already imagine my beautiful grandchildren." The king said it while grinning and having a dreamy look.

Nginisihan naman ako ni Yuan. "You heard it." Sabi nito at pinisil pa ang kamay ko.

"Tss." Yan lang talaga ang nasabi ko ang saya ng kamote.

"Yuan....." The queen uttered. Bigla naman akong nanlamig. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya she has this pokerface at kung hindi mo ito kilala ay aakalain mo na wala itong pakialam.

"Mother, if you are against it, I don't need your permission. I'll marry the woman I love wether you like it or not." Matigas din na saad ni Yuan na hindi pa man lang pinagsalita ang ina nito.

Sarap naman batukan ng lalaking ito. Walang galang kahit kailan. Dati pa ito eh, sinasagot sagot lang nito ang nanay nito na mukhang sanay na rin ang Reyna sa ugali nito.

"Yuan..... I haven't said anything yet." Malamig na saad nito. "I know you have your own decision and as your parent we cannot go against it. As long as you are happy my son, I will be happy whatever your decision is." Nangiti ng saad ng reyna.

Napayakap naman si Yuan sa reyna at ako naman muntikan ng naluha. Yung reyna kasi ang pinakachallenge dito. Alam niyo naman ang history namin dalawa at hindi ko talaga inakala na magiging ganito ang lahat. Kumalas naman sa pagkakayakap si Yuan rito.

"Thanks mother." Mataimtim na saad nito sa kanyang ina.

"I am happy for the both of you." Saad nito kay Yuan at ngayon naman ay dumako na ang tingin sa akin. "Snow, I know we had a bad start but I hope you will forgive me. Or if not, as long as you will not make my son cry or hurt him. You are now his world, don't break his heart." Saad ng reyna na alam ko na mabigat na mabigat.

Gusto ko naman umiyak. Di ba dapat hindi ako ang pinagsasabihan nun? Di ba dapat si Yuan dahil kung may iyakin man dito ako yun. Pero sige na nga lang bias eh.

"Yes your majesty. I will love your son, today and everyday until forever." Nangiting sagot ko rito.

Nagulat na lang ako ng bigla akong niyakap ni Yuan at isinubsob ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ko.

"God, kinikilig mo ako." Nasambit na lang ni Yuan.

Ano ba ang nangyayari? Ako dapat ang kinikilig eh! Bakit nabaligtad? Hahaha. Grabeng buhay to oh, pinangarap ko na ako ang sasabihan nun pero ngayon ako pa talaga ang nagsabi at ang isang ito naman para ng Koala na nakayakap at ayaw ng humiwalay.

"We need to have an engagement party son. We need to legalize your engagement and let everyone know that my son is getting married to the most beautiful girl in the universe." Masayang saad ng Hari na ikinatikhim naman ng reyna. "Oh dear, you are always the most beautiful woman in the whole universe. It is categorized, Snow is still a girl."

"Are you?" Bulong ni Yuan sa akin na nakikiliti naman ako dahil sa mga padamping damping halik nito sa leeg ko.

Kinurot ko naman ito dahil alam na alam ko ang ibig sabihin niya. Hindi ko talaga alam bakit parang manyak na ito sa paningin ko. Manyak na gwapo, type na type ko. Hahaha.

"Then, we should pay a visit with your home Snow. We still need your family's blessing." Saad naman ng Hari.

Bigla naman nagbago ang expression ng reyna na tila ako lang amg nakapansin. Pero ito na nga ang sinasabi nila na mamamanhikan di ba? Kyaaah kinikilig ako. Bakit pakiramdam ko sobra sobrang saya ko? To the point na nakakatakot na. Pero isinawalang bahala ko na lang ang takot ko. Ang importante, mahal ko si Yuan at kasama ko siya.

???

"Oh my god! Is this for real? You are getting married?" Hindi makapaniwalang saad ni Violet.

"Bakit Yuan? Binuntis mo ba si Snow para mapikot mo at mapilitang pakasalan ka?" Nakasimangot na saad ni Luna.

Yuan smirked at tinaasan nito ng kilay si Luna. "Not yet Luna, but soon." Sagot nito.

Nanlaki naman ang mga mata ko na mas lalong nanlaki pa ang mga mata ng mga kasa

ma ko. Hinampas ko talaga ng malakas si Yuan sa braso. Aba gago ang lalaking ito, kulang na lang sabihin nito na may nangyari sa amin eh! Huhuhu nakakahiya.

"Maniwala ka naman Luna." Namumulang bawi ko.

Yuan just laughed and he kissed me on the cheek na biglang kinilig naman si Luna.

"Kayo ah, wag nga kayong nang-iinggit dyan. Pero grabe di ako makapaniwala. Parang kahapon lang torpe pa itong si Yuan tapos ngayon ikakasal na." Sabat naman ni Violet na tinaasan pa kami ng kilay.

"What the. I am not torpe. I am just waiting for the right time." Singhal naman nitong si Yuan. Aba nagalit pa kasi tinawag na torpe.

"Asus, di daw torpe pero hindi naman maamin amin noon. Kung wala pang lumutang na kontrabida, hindi aamin. Sus, don't us!" Sagot ulit ni Violet.

"But man, I am very happy for you." Bati naman ni Avis.

"Lucky guy." Komento naman ni Jin.

"Of course, I am the luckiest man alive for having this beautiful woman beside me." Saad nito at muli akong hinalikan sa mga labi.

Rinig na rinig ko naman ang mga todyo ng mga ito at niyakap na ako ng mahigpit ni Yuan at naisub-sob ko na lang ang aking mukha sa kanyang dibdib. Ako ang nahihiya sa lalaking ito, mahilig sa PDA! Kung gaano ito kalamig dati, ganoon din ito kalambing!

"So kelan na ang pamanhikan? Sama kami ah." Saad agad ni Avis. "I want to eat."

"It will be the day after tomorrow." Sagot naman ni Yuan.

"Hoy Snow, magsalita ka naman. Hinog na hinog na yang mukha mo ah. Pitasin kita dyan eh." Sita naman sa akin ni Luna.

Napanguso naman ako. "Ano ba ang sasabihin ko? Eh wala na akong masabi." Sagot ko na lang rito.

"Asus, kunwari pa. Wala yang masabi kasi nilamon na yan ng kilig." Napairap naman si Violet.

Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Aba Violet, bitter lang te?" Pabirong tanong ko rito.

"Aba natural, ni hindi ako pinapansin ni Yuan dati pero ikaw nasungkit mo kaagad. Gosh, why it is so unfair?" Napapaypay pa ito sa mukha na tila hindi kinaya ang init.

"Violet, wag ka ng makipagkompitensya. Diyosa siya, tao ka lang hahaha." Natatawang saad ni Luna.

Nakakatawa pero totoo.

"Hmp!" Irap na lang ni Violet na ikinatawa ko naman.

"Luna, ikaw kelan mo ako papakasalan?" Biglang tanong naman ni Avis.

Nanalaki naman bigla ang mga mata ni Luna. "Hoy Avis, maghunos dili ka! Ni hindi mo pa ako nililigawan kasal kasal na yang tinatanong mo sa akin!" Bulyaw naman ni Luna rito.

Natawa naman si Avis. "Tss. Oo na liligawan na kita kaagad, pero sagutin mo kaagad ako ah."

Namula naman si Luna. "Aba't, ikaw na nga ang nanliligaw ikaw pa yung may ganang utusan ako! Manigas ka nga dyan!"

Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa while my eyes diverted to Jin. Though he was smiling but it did not reached his eyes.

???

Jin's POV

I felt my heart being twisted in the most painful way. My first love is now getting married. I know I don't have the right to feel this way but I felt terrible. I feel like crying. Nakakabakla man pero gusto kong umiyak.

From the very beginning, I don't have a claim for her. I know that Yuan is interested with her that's why I backed off. I am contented of seeing her smiling face everyday.

I did not expect that my first love will end this way. Snow, the first woman that I love the most is getting married.

"Bes? Totoo ang balita?" Biglang dumating si Yuki, ang bestfriend ni Snow. They are both beautiful but still my eyes are still looking with Snow's face.

"Anong balita?" Tanong naman ni Snow rito. Nakakatuwa din minsan ang pagkaslow nito. She is smart but sometimes slow.

"That you are getting married! Kalat na kalat na sa palasyo." Excited na saad nito and her eyes are sparkling.

"Oh.... Yes bess, totoo yun." Napangusong sagot naman ni Snow.

"Oh my god! Maid of Honor ako ah!" Agad na saad nito at niyapos nito si Snow.

"Oo na bes.... Tama na hindi na ako makahinga eh." Reklamo naman ni Snow.

"Eeehhh? How about me?" Tanong naman ni Luna.

"Bride's maid ka Luna. May kontrata kami ni Snow na magiging maid of honor kami sa aming mga kasal." Paliwanag naman ni Yuki.

"Daya." Komento naman ni Luna.

They look so happy and I choose to remain silent. Maybe, I was made to love a different woman and I am not destined to Snow. Maybe someday, I will be able to find the perfect love and the girl that was made just for me.

___________________________________

Sorry talaga kung pakonti konti lang ang update. But I would like to plug my other stories here.

She's the Man and Archangel's Assassin is available on my profile. Sa hindi pa nakakabasa please add it to your library, read and vote. I will finish those books.

She's the Man- romantic comedy/ mature

Archangel's Assassin- fantasy/romance/mature

Vote and Comment.

Free to Download MoboReader
(← Keyboard shortcut) Previous Contents (Keyboard shortcut →)
 Novels To Read Online Free

Scan the QR code to download MoboReader app.

Back to Top

shares