MoboReader> Fantasy > DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4

   Chapter 4 NO.4

DARK - Universe of Four Gods Series - Book 4 By charmaineglorymae Characters: 8946

Updated: 2018-01-31 20:36


Snow's POV

Natulog ulit ako pagkatapos kong maligo. Sobrang bigat ng katawan ko at isama pa na masakit yung ibaba ko kaya mas lalong wala akong balak maglakad lakad. Feeling ko rin kinulang ako sa tulog kagabi kaya naman antok na antok ako. Pinabayaan na lang din ako ni Glendel at ibinilin ko rito na hindi ako tatanggap ng bisita kahit na sino pang poncho pilatong yan dahil masama pakiramdam ko.

Himbing na himbing ang tulog ko ng may naulingan ako na tila nag-uusap. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila dahil hinihila pa rin ako ng antok hanggang sa naramdaman ko na lang na sumarado ang pinto. Malamang hindi tinanggap ni Glendel yun.

Patuloy pa rin ako sa aking pagpikit hanggang sa may naramdaman akong parang sumampa sa kama ko. Baka naman si Silvan lang dahil sanay na itong sumasampa sa kama ko. Manghingi na kaya ako ng mefenamic? Tatalab kaya? Pero biglang natauhan naman ako ng maamoy ko ang isang pamilyar at mabangong amoy. Lalo na at naramdaman ko ang bisig nito na pumalibot sa bewang ko. Napadilat akong bigla dahil hindi ganito si Silvan!

"Finally awake, babe?" Nakangiting salubong ni Yuan sa akin.

Ako naman nganga dahil hindi ko ito inaasahan dito. Tsaka kabilin bilinan ko kay Glendel na wag magpapasok ng kahit na sino sa kuwarto!

"P-paanong nandito ka?" Nagtatakang tanong ko rito. Anong ginawa nito kay Glendel at pumayag na makapasok ito?

"Of course I entered." Ngingiti ngiting saad nito at nilalaro na nito ang aking buhok.

Talagang pilosopo din ang isang ito eh no. "Paanong nakapasok ka eh kabilin bilinan ko na wag magpapasok ng kahit na sino?" Ulit ko rito. Nakakainis ito ah, gusto kong magpahinga, hindi ba niya alam na siya ang dahilan kung bakit pagod ako ngayon?

"Babe, I am not just anyone. And I can enter any rooms that I like. Occupied or not." Mahinang saad nito na ngayon naman ay kinuha niya ang kanang kamay ko at hinalikhalikan yun.

Yeah right. Bakit pa ba ako nagtataka? I forgot he is the Prince and he owns this freaking castle. But what is he doing right now is sending me little tickles on my skin.

"Yuan, I am too tired. I wanna sleep more." Saad ko rito at nakatitig lang ako sa mga mata nito. Kung malakas lang sana ako ngayon malamang kilig na kilig na ako pero ngayon na pagod ako, hindi ko maappreciate yung kilig dahil mas nangingibabaw yung pagod.

"I know, you can sleep more. Babantayan kita." Sagot naman nito sa akin at hinila na ako papalapit rito at niyakap ako.

I can feel his heat at it is very comfortable feeling sa aking katawan. Hindi ako naiilang pero sa totoo lang nahihiya pa rin ako lalo na pag naaalala ko yung nangyari kagabi kaya pilit na hindi ko yun iniisip. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata dahil sa antok pero kahit inaantok ako, aware na aware pa rin ang katawan ko sa paligid. Napapalatak na lang ako sa aking isipan. Nyeta naman ito, paanong makakatulog ako kung distracted ako sa kanya? Ang bangu-bango pa nito.

Naimulat ko na lang ang aking mga mata ng maramdaman ko ang isang malamig na bagay na dumulas sa kanang palasingsingan ko at tiningnan kung ano yun. Pero nanlaki na lang ang mga mata ko ng makita na singsing yun! It is a double band gold ring studded with diamonds at may isang malaking diamond naman sa gitna.

"Yuan...." Naisambit ko at lahat na ata ng antok eh kumawala na sa katawan ko.

"I wanted you to wear it. It is my mark that you are mine." Saad nito sa akin and he kissed me but not deeper. Halatang nagpipigil ito and I can see it on his clenching jaw. Desire is very evident on his eyes. And I know he is holding back dahil alam nito na masakit pa ang katawan ko.

Naibalik ko ang tingin ko sa singsing. Is this what they call engagement ring? Pero wala naman itong sinasabi na engagement ring ito but he asked me about the marriage earlier right? Bakit feeling ko, nabobobo ako sa ganitong sitwasyon? He asked me to marry him earlier and now he gave me this ring and telling me it is his mark that I am his................ then, ano ako? Lupa na kailangan ng tatak para malaman na pagmamay-ari ng iba?

Napalukot naman ang mukha ko sa naisip. "I am not a property." Naisaad ko. Hindi ko alam pero parang may problema sa utak ko at hindi maayos ang takbo.

Napatawa naman ito dahil sa sinabi ko and he kissed me again. "Silly. I am telling that you are already bound to me, and that is our engagement ring."

Ako naman ang namula sa mga sinabi nito. Nagtataka ako kung saan niya naku

kuha ang lakas ng kanyang loob para sabihin ang mga ganito. Pero napatitig na lang ako ulit sa singsing. It is very beautiful and odd dahil saktong sakto ito sa aking daliri.

Bigla naman bumangon si Yuan sa pagkakahiga nito at hinawakan nito ang aking kamay. "Come." Saad nito sa akin.

Napakunot noo naman ako at napabangon na lang din. Tutal hindi na ako sinapian ng nakakaantok na pakiramdam, thanks to him (hint the sarcasm). Tiningnan ko muna si Silvan na mahimbing pa rin ang pagkakatulog. I understand, he is still growing kaya takaw ito sa tulog. Magkasabay kaming lumabas sa kuwarto ko at nagulat na lang ako dahil nandoon si Luna at Avis na akmang kakatok sa pintuan ko.

Nanlaki naman ang kanilang mga mata ng makitang lumabas kaming dalawa sa kuwarto ko.

"Oh my gosh! Yuan, anong ginawa mo kay Snow?!" OA na tanong ni Luna pagkatapos ngumisi naman ito.

"Tss." Sagot lang ni Yuan na mukhang hindi gusto na nandito ang dalawa sa harap ng aking pintuan.

"Yuan, nag-aaral pa kayo. Baka mabuntis si-" naputol naman ang sasabihin ni Avis dahil binatukan ito ni Luna.

"That mouth of yours!" Sita naman ni Luna rito. "Sorry Yuan and Snow, kinulang lang sa pagkain ang isang ito kaya punta na kami sa kusina. See you later na lang!" At hinila na nito si Avis na papunta daw sa dining.

Ngayon ko lang din naisip. My god, paano kung mabuntis ako? 1st year pa lang ako and he is third year. Bakit di ko ito naisip? Jusko po inaamag na ata ang utak ko. And the thing na parang may alam sina Luna, nakakahiya lang!

"If you'll get pregnant, then I will be the happiest man in the Universe." Pilyong saad ni Yuan sa akin.

Hindi ko alam kung kakabahan ako o kikiligin dito. Syempre hindi pa ako handa pero sa sinasabi niya parang gusto na ata talaga akong buntisin. Hinding hindi na talaga ito makakaisa sa akin!

"Saan ba tayo?" Tanong ko rito. Iniba ko na lang ang usapan dahil baka saan na naman mapunta yun.

"Just follow me." Saad nito at hinila na ako nito.

Naglalakad kami patungo sa left wing and somehow I am familliar at naalala ko nga dahil dito ako napadpad kagabi sa kakalakad at tingin ko sa mga designs and paintings. Napatingin ako sa unahan at nakita ko ang painting na tiningnan ko kagabi. Bigla naman akong kinabahan dahil dito yun! Dito ako kinidnap ng lalaking ito. Kinabahan na tuloy ako kung saan ako nito dadalhin.

"T-teka.... Saan ba talaga tayo? Can't you tell me?" Kinakabahan na saad ko. Wag lang talaga sana yung iniisip ko.

"We are going to meet my parents." Saad nito na hindi pa rin tumitigil sa paglalakad.

Nakita ko naman ang iilang Knight doon na parang mga estatwa na nakatayo up until we are already facing the largest door inside the palace. It has gold intricate design at may dalawang Knight sa magkabilang gilid. Yumukod ang dalawang Knights kay Yuan bago kami pinagbuksan ng pintuan.

Agad naman akong hinila ni Yuan papasok at tumambad kaagad sa mga mata ko ang napakagarang living room at sobrang laki. Mas maganda pa ito kesa sa living room sa baba. The place is in total iridescent at namataan ko rin ang hari at reyna na nakaupo sa red velvety sofa.

Napalunok ako. Ngayon lang nagsisink in ang lahat. Kinabahan ako bigla. Di ba, hindi ako gusto ng mama ni Yuan? I still remember it kung paano kalamig ito tumitig sa akin noon. Kinabahan ako lalo. Ano ba ang nakain ko at mupayag ako magpakasal dito? Nakalimutan ko na hindi dapat eh dahil sa sobrang layo ng agwat namin.

"Mother, Father...." Saad ni Yuan.

"Your Highness." Saad ko naman and I curtsied.

"Come here." Tawag naman ng Hari sa amin.

Hinila ulit ako ni Yuan at nagpatianod na lang ako dahil kung ako papipiliin tatakbo na talaga akong palabas ngayon. Because for freaking sake, this is the highest authority in the whole universe! Tapos may pakiramdam ako sa gagawin ni Yuan kung bakit kami nandito. Lupa, lamunin niyo na ako at naalala ko naman na hindi naman lupa itong tinatapakan ko.

"What is the matter Yuan?" Malamig na tanong ng Reyna. She still has this stoic face na hindi mo mabasa kung ano ang iniisip nito.

"Mother.... Father...." Saad ulit ni Yuan. "I am getting married." The news went dropped like a bomb and even the queen who has an ice cold expression went her eyes wide in surprise.

___________________________________

Sorry kung sobrang tagal ng update. Nag-out of town yung author niyo kaya hindi makabuwelo. Sorry din dahil medyo masabaw ang chapter.

Vote and comment.

Free to Download MoboReader
(← Keyboard shortcut) Previous Contents (Keyboard shortcut →)
 Novels To Read Online Free

Scan the QR code to download MoboReader app.

Back to Top

shares